Thursday, April 01, 2004

HAVING TO GIVE-WAY...

Dearest M,

Walang mangyayari kung walang magpaparaya.... alam ko, sa pagkakataong ito, ako na naman ang kailangan magparaya.... mahirap mag blog nang masama ang loob at galit, pero pipilitin kong bungkalin sa loob ko ang pakiramdam na pagpapakababa ng loob.... marahil, sanay naman na ako sa ganito.... sanay na magparaya.... akala ko matututunan mo sa akin, pero hindi pala.... naglakas loob akong kumprontahin ka, para maitama ang dapat na maitama, pero paano mangyayari ang ganoon kung sarado ang puso mo at isipan? Ngayon, napagtanto ko, na talagang magaling ka nga talaga.... dahil pinatunayan mong IKAW LANG ang tama, at AKO LANG ang mali.... At kapag sinasabi ko na, AKO ANG MALI, wala kana iba pang maririnig... pangako ko iyan sa iyo... para matapos na ang lahat ng ito, hihingi ako ng patawad sa iyo.....

Patawarin mo ako sa pagkakamali ko... patawarin mo ako na nagiging masama na ang lumalabas sa bibig ko, at sumasama na din ang pakikitungo ko sa iyo.... Marami sana akong gustong ibahagi sa iyo, pero talagang nananatiling sarado ang puso at isip mo.... Pero sa palagay ko, ang dahilan talaga ay isa ka kasing perpektong tao... ngayon ay bumabalik na naman ang pag iisip ko na saktan ang sarili ko, dahil nahihirapan akong mapatawad ang sarili ko... dahil nga, nakagawa na namanako ng malaking kasalanan..... gasgas na ang salitang "patawad/sorry" pero sana, mabuksan mo ang puso mo para mapatawad mo nga ako.... Ngayon ay pinipigil kong maiyak, dahil ayoko na kasi umiyak ng mag isa..... nang walang makiki-simpatiya sa akin....

Wala na akong iba pang masabi pa.... kasi, baka magkamali pa ako ng masabi at baka lumabas pang masama ka.... alam ko, hindi ganun kadali mawala galit mo... sana, kapag ako naman ang nagalit ng ganyan, ay pagbigyan mo din sana ako ng pagkakataon na magalit ng matagal.... nang hindi kita nasasaktan at nasasabihan ng masasakit na salita.... sana, mahal mo pa rin ako.... kahit ganito akong klase ng tao.... na masama....

0 Comments:

Post a Comment

<< Home